Paglilitis kay Gigi Reyes sa kasong plunder, tuloy ayon sa Sandiganbayan
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes, chief of staff ni dating senador Juan Ponce Enrile na ibasura ang kasong plunder laban sa kanya.
Nakakulong si Reyes dahil sa naturang kaso kaugnay ng pork barrel scam.
Batay sa resolusyong inilabas ng anti-graft court, walang nakitang sapat na basehan ang Special Third Division para ibasura ang kaso at ihinto ang paglilitis.
Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Reyes na nakakalito ang impormasyon ng plunder na inihain ng prosekusyon laban sa kanya.
Sinabi ni Reyes na nakalilito ang mga salitang “or” at “and/or” na ginamit sa Bill of Particulars.
Nanindigan naman ang korte na ang mga patunay na nakasaad sa impormasyon ay sapat para makasuhan siya ng plunder.
Ayon sa Sandiganbayan, ang naturang salita na ginamit sa pag-uugnay sa kaniya kina deputy chief of staff Jose Antonio Evangelista, na kinasuhan naman ng graft, at kay Enrile, ay nagpapakita na ilang ulit nakakuha ng diumano’y kickback ang mga ito mula sa tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.