Bago ang buwan ng Pebrero, target ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhannng bagyong Nina.
Mahigit 761,000 na mga kabayahan pa ang nananatiling walang suplay ng kuryente hanggang sa ngayon partikular sa Bicol Region.
Mula ito sa mahigit 1.2 milyong mga bahay na naapektuhan ng bagyo.
Sinabi ni DOE Usec. William Fuentebella na nagdagdag na sila ng mga tauhan sa ground para mas mapabilis ang power restoration.
Aminado si Fuentebella na malaking hamon sa kanila ang pagpunta sa mga liblib na lugar sahil sa mga nagbagsakang puno at matinding naapektuhan ng pagbaha.
Humingi naman ng pang-unawa ang DOE sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar.
Aminado si Puentebella na prayoridad nila ang mga lungsod dahil doon ang sentro ng komersyo at naroon ang City Hall, Munisipyo o Kapitolyo na silang nangunguna rin sa relief assistance operation.