Pagdawit kay De Lima at Trillanes sa saksakan sa Bilibid, nasa affidavit at hindi gawa-gawa lang
Nagtataka si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II kung bakit siya ang pinagbubuntunan ng galit ni Senator Leila De Lima sa isyu ng naganap na saksakan sa New Bilibid Prisons (NBP) na ikinasugat ni Jaybee Sebastian at iba pang bilanggo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aguirre na hindi naman niya gawa-gawa at hindi naman sa kaniya nagmula ang pagdadawit kina De Lima at Senator Antonio Trillanes IV sa saksakan sa building 14 ng maximum security compound.
Ani Aguirre, ang testimonya na nagtuturo sa dalawang senador ay nakasaad sa affidavit, at hindi niya ito inimbento.
“Hindi ko alam ano gustong palabasin ng babaeng yan e! Sabi niya nagsisinungaling ako, hindi naman ako ang nagsabi non, nasa affidavit yon!” ani Aguirre.
Nanindigan din si Aguirre na may basehan ang pangamba ng asawa at abogado ni Sebastian na may banta sa buhay nito.
Lalo pa at magkakasama pa din sa building 14 ang mga nasangkot sa insidente ng saksakan.
Ito aniya ang dahilan kaya inilipat muna pansamantala si Sebastian sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Corrections (Bucor) hinggil sa banta sa buhay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.