Dinagsa ng libu-libong deboto ang isinagawang prusisyon madaling araw kanina, (Huwebes, Kanuary 5) sa Basilica del Sto. Nino Cebu City para sa unang araw ng selebrasyon ng 452nd Fiesta Señor na kilala rin sa tawag na Sinulog.
Ang pagdiriwang ng kapistahan ay pormal na nagsimula ngayong araw sa pamamagitan ng taunang “Walk with Jesus” kung saan ipinu-prusisyon ang imahe ng Sto. Niño mula sa bahagi ng Fuente Osmeña hanggang sa Pilgrim Center sa Basilica.
Tinatayang dalawang kilometero ang layo ng prusisyon na nagsimula alas 4:30 ng madaling araw.
Bitbit ang kani-kanilang imahe ng Sto. Niño, libu-libong mga deboto ang sumama sa prusisyon at saka dumalo sa misa.
Sa Enero 15, araw ng Linggo, gaganapin ang Sinulog Grand Parade na sisimulan sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod na misa.