Klase sa 5 paaralan sa Kidapawan suspendido hanggang bukas, matapos ang jail break
Kasunod ng pagsalakay sa North Cotabato District Jail na nagresulta sa pagtakas ng mahigit 100 preso, sinuspinde na ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang klase sa limang paaralan sa lungsod hanggang bukas.
Kabilang sa mga paaaralan na walang klase ay ang Amas Central Elementary School, Amas National High School, Puas Inda Integrated School, Patadon Elementary School at Malinan Elementary School.
Ito ay para matiyak aniya ang kaligtasan ng mag-aaral at grupo ng mga eskwelahan habang patuloy ang pursuit operations sa mga tumakas na bilanggo.
Bilang tulong, naka-standy naman ang mga tauhan ng Kidapawan City 911 Response Unit sa lugar kasama ang mga pampublikong ambulansya upang umasiste sakaling may masugatan sa crackdown operation.
Naghigpit na rin ng seguridad sa Cotabato Provincial Capitol na ilang kilometero lang ang layo sa sinalakay na bilangguan.
Sa naganap na pagsalakay at jail break, limang preso ang nasawi, isang jailguard at isang opisyal ng barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.