‘Drones’ bawal rin sa ‘Traslacion’

By Kabie Aenlle January 05, 2017 - 04:02 AM

 

DronesBilang bahagi ng ipatutupad na mahigpit na seguridad sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9, ipagbabawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang maggamit ng drone sa ere, partikular sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon.

Paalala ni Lt. Col. Llewellyn Binasoy ng AFP sa lahat na para mas mahigpitan pa ang seguridad sa okasyon, magpapatupad sila ng no-fly zone sa kasagsagan ng prusisyon.

Kasabay nito ay nakiusap siya sa publiko at maging sa media na huwag nang paliparin ang kanilang mga drones na madalas ginagamit para makakuha ng aerial pictures o videos.

Bukod naman sa pagbabawal ng paggamit ng drone, inanunsyo rin ng AFP na magkakaroon rin ng signal jamming sa prusisyon upang maiwasan na magamit ang mga cell phone pang-detonate ng mga bomba.

Ginawa rin naman aniya ito noong nakaraang taon, at umaasa silang mauunawaan sila ng publiko dahil para sa kanilang kapakanan rin naman nila ito ginagawa.

Samantala, nanawagan naman si Manila Department of Public Services Director Lilybelle Borromeo sa mga deboto na huwag itapon ang kanilang mga kalat at basura sa kalsada.

Ayon naman kay Dr. Virgilio Martin ng Manila Health Office, wala silang ilalagay na mga trash bins sa Quirino Grandstand upang maiwasan ang bomb scares.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.