Dating Pangulong Arroyo pinayagang makadalaw sa burol ng kuya na si Arturo Macapagal

August 11, 2015 - 10:00 AM

arturo macapagal 2
Photo from aimleadership.org

(updated) Pumanaw na ang nakatatandang kapatid ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Arturo Macapagal.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, abogado ni Congresswoman Arroyo, si Macapagal ay pumanaw sa Makati Medical Center (MMC) kaninang 6:40 ng umaga dahil sa stage four prostate cancer.

Si Arroyo ay malapit na malapit sa kaniyang kuya.

Katunayan humirit pa sa Sandiganbayan ang dating pangulo kahapon para payagan siyang madalaw ang maysakit na kuya ngayong araw.

Dumating Heritage Park sa Taguig si Dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang makiramay sa pagpanaw ng kanyang nakatatndang kapatidd na si Arturo D. Macapagal.

Suot ang isang neckbrace, nakasalubong pa ni CGMA si Vice President Jejomar Binay na dumalaw rin at nakiramay sa pamilya Macapagal.

Dumating din sa Heritage Park ang mister ni CGMA na si dating First Gentleman Mike Arroyo kanilang anak na si Luli.

Kabilang rin  sa mga nakiramay ang maybahay ni detained Sen. Bong Revilla na si Lani Mercado at ex-Candaba Mayor Gerry Pelayo.

Si Macapagal ay 72-anyos na at July 2 nang ito ay isugod sa pagamutan at nanatili nang bed-ridden sa intensive care unit.

Nagsilbing Chairman at Presidente ng Toyota Pasong Tamo, Inc. at Chairman ng Toyota Global City si Macapagal. Nagtapos ito bilang cum laude sa San Beda noong 1965.

Sa dalawang pahinang resolusyon ng anti-graft court, maaaring manatili si Arroyo sa Heritage Park sa Taguig simula alas 4:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi ngayong araw, bukas (Miyerkules) at sa araw ng Biyernes, August 14.

Inatasan ng Sandiganbayan ang Philippine National Police na bigyan ng seguridad ang dating pangulo.

Lahat din ng gastusin sa pagtungo ni Arroyo sa Heritage Park ay sasagutin ng dating pangulo.

Nilinaw din sa kautusan ng Sandiganbayan na bawal ang anumang media interview at ang paggamit ng communication gadgets sa mga oras na si Arroyo ay nasa labas ng VMMC.

Maglalabas naman ang Sandiganbayan ng ibang kautusan kaugnay sa hiling nito na makapunta sa libing ng kanyang yumaong kuya sa Sabado./Erwin Aguilon, Dona Dominguez-Cargullo. Jong Manlapaz

TAGS: arturo macapagal, arturo macapagal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.