Ayon kay Lacson, mismong mga kongresista ang nagsabi nito sa kanya nang umaapela ang mga ito ukol sa pinaalis niyangP1.5 Billion pondo para sa kanilang mga proyekto.
Binanggit ng senador ang sinasabing pagbabago na ibinibida ng kasalukuyang administrasyon ay ang paglipat lang ng ‘pork allocations’ mula sa mga miyembro ng Liberal Party patungo sa mga mambabatas mula sa Mindanao.
Dagdag pa nito, hindi rin siya naglista ng mga proyekto na nais niyang mapondohan ng P300 Million na inilaan sa mga senador.
Sinabi pa ni Lacson na sinabihan din siya nina Senate majority leader Tito Sotto at Liberal Party President Sen. Kiko Pangilinan na maging sila ay hindi nagsumite ng listahan ng mga proyekto na nais nilang mapondohan.
Gayunman paglilinaw din ng senador na wala siyang anumang pagdududa sa mga kapwa niya mambabatas.
Pagdidiin ni Lacson, hindi siya tanga maging ang sambayanan para hindi malaman kung ano ang ‘pork barrel’ at tama lang na malaman ng taumbayan kung ano ang katotohanan.