PNP-HPG balik Edsa simula bukas

By Mariel Cruz January 04, 2017 - 08:05 PM

HPG
Inquirer file photo

Babalik na ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Edsa bukas, araw ng Huwebes.

Ito ang kinumpirma ng tagapagsalita ng Philippine National Police na si Senior Supt. Dionardo Carlos.

Pero ayon sa PNP, ang deployment ng mga tauhan ng HPG ay sa EDSA Balintawak na lamang.

Sinabi ni Carlos na aabot sa tatlumpu’t anim na HPG traffic personnel ang itatalaga sa Edsa Balintawak bukas simula alas singko ng madaling araw.

Magiging katuwang ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang HPG personnel sa pagpapatupad ng mga panuntuan sa trapiko sa lugar.

Matatandaang noong Nobyembre, tinanggal ang HPG sa EDSA para mas pagtuunan ng pansin ang problema sa trapiko sa mga kalsada patungo sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport, Commonwealth Avenue at C5.

TAGS: edsa, HPG, PNP, edsa, HPG, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.