Dalagita na biktima ng ligaw na bala sa Malabon City namatay na

By Mariel Cruz January 04, 2017 - 07:59 PM

emelynPumanaw na ang kinse anyos na dalagita na natamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Malabon City.

Sa ulat na natanggap ni National Capital Region Police Office director Chief Supt. Oscar Albayalde, nakasaad na idineklarang patay ni Dr. Christian Perolina si Emelyn Villanueva kaninang 6:12 ng gabi.

Binawian ng buhay si Emelyn sa surgical intensive care unit ng Jose Reyes Memorial Medical Center.

Ayon naman kay Melody Labrador, staff sa Barangay San Agustin kung saan nakatira ang biktima, walang naging pagbabago sa kondisyon ni Emelyn simula nang isugod ito sa ospital.

Nanonood lamang ng fireworks display si Emelyn sa labas ng kanilang bahay nang matamaan ito ng ligaw na bala bandang 11:45 ng gabi ng December 31.

Unang napaulat na biktima si Emelyn ng stray bullet incident mula sa indiscriminate firing.

Pero nilinaw ng Malabon City Police na hindi biktima ng stray bullet incident, kundi shooting incident ang menor de edad.

TAGS: doh, emelyn villanueva, malabon city, stray bullet, doh, emelyn villanueva, malabon city, stray bullet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.