DSWD dumipensa sa mabagal na pamimigay ng relief goods

Relief goods
Inquirer file photo

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga local government units ang siyang nangangasiwa para sa relief distribution sa mga biktima ng bagyong Nina.

Ipinaliwanag ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo na bago pa lamang pumasok sa bansa ang bagyong Nina noong nakalipas na Pasko ay nakarating na sa mga local officials ang mga relief goods.

Gayunman ay humingi ng paumanhin ang kalihim kung sakaling hindi pa umaabot ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo partikular na sa mga lugar sa Mimaropa, Calabarzon, Bicol at Region 8.

Reaksyon ito ni Taguiwalo sa naging banat ni Vice President Leni Robredo na mabagal ang relief distribution sa ilang mga lugar na kanyang inikot sa lalawigan ng Camarines Sur.

Umani ng batikos sa publiko ang nasabing pahayag ni Robredo dahil sa U.S siya noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Muli namang inulit ni Taguiwalo ang babala sa mga local officials na mahigpit na ipinagbabawal ang repacking ng mga relief items para lagyan ng kanilang mga pangalan bago ibigay sa mga biktima ng bagyo.

Read more...