Oust Duterte blueprint hindi totoo ayon kay Robredo

By Alvin Barcelona January 04, 2017 - 04:10 PM

duterte-goldberg
Inquirer file photo

Hindi naniniwala si Vice President Leni Robredo sa sinasabing oust Duterte plot ni dating U.S Ambassador Philip Goldberg.

Reaksyon ito ni Robredo sa diumanoy blueprint ni Goldberg kung saan sinasabing kasama ito sa planong patalsikin si Pangulong Duterte sa puwesto.

Ayon sa pangalawang pangulo, naka-usap niya si Goldberg sa isang event at nang mag-courtesy call ito sa kanyang opisina at wala naman itong binanggit tungkol sa anumang balakin laban sa pangulo.

Aniya kung meron man silang pinag usapan ni Goldberg ito ay ang bilateral relations ng U.S at Pilipinas.

Iginiit ni Robredo na sa halip na hilingin ang pag-alis sa puwesto ay mas magandang hingin ay pakinggan ni Duterte ang hinaing ng sambayanan.

TAGS: blue print, duterte, goldberg, Robredo, blue print, duterte, goldberg, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.