Todong suporta sa Miss Universe pageant iniutos ng Malacañang
Inatasan ng Malacañang ang lahat ng sangay ng pamahalaan na suportahan ang Miss Universe pageant na gaganapin sa bansa ngayong buwan ng Enero.
Base sa memorandum circular number 13 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, hinihimok nito ang lahat ng lokal na pamahalaan na ibigay ang buong suporta at kooperasyon sa Miss Universe pageant.
Binigyan din ng kapangyarihan ang Department of Tourism para ipatawag ang isang kagawaran, kawanihan o ahensya ng pamahalaan at mga LGUs para sa kinakailangang tulong kung kinakailangan.
Mahigpit ang bilin ng Malacañang sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na huwag gumamit ng pondo ng bayan para sa Miss Universe pageant.
Inaasahang sa susunod na linggo na magdaratingan sa Metro Manila ang mga kinatawan ng iba’t ibang bansang kalahok sa naturang beauty contest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.