Ibinunyag ni Sen. Ping Lacson na naibalik sa Department of Public Works and Highways ang P8 Billion na nailipat ng mga senador sa mga state universities and colleges para magkaroon ng free tuition.
Ayon kay Lacson ang P8 Billion na ibinigay sa DPWH ay hinugot ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund na ang orihinal na pondo para ngayon taon ay P37.255 Billion at nagawa itongibaba sa P15 Billion na lamang.
Sinabi nito nakakalungkot na ang disaster fund pa ang binawasan gayung marami pang biktima ng mga nagdaang bagyo, partikular na ang Yolanda, ang nangangailangan pa ng tulong hanggang ngayon kapalit ng alyansang politikal.
Dagdag pa ng senador, bukod sa naibalik na P8 Billion ay nadagdagan pa ng halos ay P500 Million ang pondo ng DSWD.
Napansin ni Lacson ang pagbabago nang suriin niya muli ang General Appropriations Act of 2017.
Kilalang kritiko ng pork barrel si Lacson at siya ang pumuna sa ilegal na pondo na naisingit sa mababang kapulungan nang ipasa ng mga ito ang General Appropriations Act.
Tiniyak ng senador na susuriin niyang mabuti ang gagawing paggasta ng DPWH sa pondo nito ngayon taon.