Dating Pangulong Ramos, sinisi ng Malakanyang sa hindi pa maibigay na dagdag sweldo sa mga sundalo

By Chona Yu January 04, 2017 - 11:21 AM

SFVR2inisi ng ng Malakanyang si dating Pangulong Fidel V. Ramos kung kaya nag-aalangan ang administrasyon na doblehin ang sweldo ng mga sundalo.

Paliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno, may ipinasa kasing batas noon si Ramos na nagsasaad na kapag tumaas ang sweldo ng mga aktibong sundalo, otomatiko ring tataas ang pension ng mga retiradong sundalo.

Iginiit pa ni Diokno na kapag itinuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dobleng-sahod sa mga sundalo, magmimistulang ang 70% ng pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mapupunta lang sa pang-pension ng mga retiardong sundalo.

Gayunman, wala naman aniyang dapat na ipag-alala ang mga sundalo kung hindi pa matutupad ang dobleng-sahod dahil kasama naman sila sa ipatutupad na salary standardization law na ngayon ay nasa ikalawang buhos na.

 

 

TAGS: Fidel V Ramos, Malacañang, Rodrigo Duterte, Fidel V Ramos, Malacañang, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.