Aabot sa 1,158 na pamilya pa o katumbas ng 6,227 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers matapos na mawasak ang kanilang mga tahanan dahil sa bagyong Nina.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa animnapu’t apat na evacuation centers pa ang kumukupkop sa nasabing mga pamilya mula sa CALABARZON, MIMAROPA< Region 5 at Region 8.
Sa datos ng DSWD, umabot sa halos dalawang daang libong mga bahay ang nasira ng bagyong Nina at 82,384 naman ang tuluyang nawasak.
Umabot na sa mahigit 182 million pesos na halaga ng relief assistance ang naipagkaloob ng DSWD sa mga apektadong pamilya.
MOST READ
LATEST STORIES