Sen. Richard Gordon, wala nang balak pakinggan muli sa senate hearing si Matobato

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2017 - 09:52 AM

Inquirer Photo | Kristine Sabillo
Inquirer Photo | Kristine Sabillo

Wala nang balak si Senator Richard Gordon na buhayin ang imbestigasyon ng senate committee on justice para ipatawag muli at pakinggan ang mga testimonya ni self-confessed killer Edgar Matobato.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gordon na sarado na ang imbestigasyon ng pinamumunuan niyang komite hinggil sa mga nagaganap na pagpatay kung saan, inilutang ni Senator Leila De Lima si Matobato bilang testigo.

Ani Gordon, mismong si Matobato ang sumira sa kaniyang sarili nang mabigo itong patunayan sa senado ang kaniyang mga alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Davao Death Squad (DDS).

Katunayan, binigyan aniya ng napakahabang pagkakataon si Matobato sa senate hearing para sabihin ang kaniyang mga nalalaman at patunayan ang mga ito.

“Lahat naman ng sinabi ni Matobato ay siya mismo sumira, hindi niya napatunayan. Binigay natin lahat sa kaniya ang panahon, umabot nga ng 14 na oras ang hearing,” ani Gordon.

Nagtataka din si Gordon kung bakit pasulpot-sulpot ang mga alegasyon ni Matobato.

Kung totoo aniya ang mga bintang nito, dapat ay noon pa siya nagsalita, lalo na noong si De Lima pa ang kalihim ng Department of Justice.

Paliwanag ni Gordon, mas maraming importanteng isyu at batas na dapat pagtuunan ng pansin ang senado ngayong 2017 kaysa pag-ukulan pa ng pansin si Matobato.

 

TAGS: Davao Death Squad, edgar matobato, Richard Gordon., senate hearing, Davao Death Squad, edgar matobato, Richard Gordon., senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.