Number coding para sa mga provincial buses na pauwi ng Metro Manila, lifted pa rin ngayong araw
Exempted sa pag-iral ng number coding ngayong araw ang mga provincial bus na pauwi ng Metro Manila galing sa Southern Luzon.
Ayon sa MMDA, ito ay para mas maraming bus ang maging available na masasakyan ng mga pasaherong pauwi pa sa Metro Manila galing sa mga lalawigan.
Dahil dito, sinabi ng MMDA na maaring magdulot ng mas masikip na daloy ng traffic ang mas madaming bilang ng mga bus na bibiyahe pa-Metro Manila.
Nilinaw naman ng MMDA na tanging ng mga bus lamang galing Southern Luzon ang exempted sa coding habang tuloy ang pag-iral nito sa mga pribadong sasakyan at iba pang pampublikong sasakyan.
Bukas naman balik na sa normal ang pag-iral ng number coding sa buong Metro Manila sa lahat ng sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.