January 9, holiday sa Maynila dahil sa Traslacion

 

Inquirer file photo

Idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang January 9 bilang holiday, dahil sa paggunita ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Ito ay ayon mismo sa city tourism office, lalo’t inaasahang milyun-milyong deboto ang dadagsa at dadalo sa traslacion, o ang prusisyon ng imahen ng Itim na Nazareno.

Kadalasan ring isinasara ang maraming kalsada sa Maynila na daraanan ng imahen sa prusisyon nito na karaniwang tumatagal ng ilang oras o minsan ay buong araw.

Ayon naman kay Chief Insp. John Guiagui ng Plaza Miranda Police Station, Nobyembre pa lang ay pinaghahandaan na nila ang seguridad para nasabing kapistahan.

Ang nasabing pista ng Nazareno ang itinuturing na pinakamalaking religious festival at prusisyon sa bansa.

Samantala, napili naman bilang tema ng pista ngayong taon ang “Pag-ibig ang Buklod ng Ganap na Pagkakaisa.”

Read more...