Hinihinalang salvage victim, natagpuan sa Makati City

By Rod Lagusad January 04, 2017 - 04:24 AM

 

Courtesy: Bantay Bayan Jose Juaneza

Natagpuan ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary killing sa Marconi st. Brgy. San Isidro, Makati City.

Dakong alas-10:15 pm nang matagpuan ng isang naglalakad sa naturang lugar ang naturang lalaki na noong una ay inaakalang natutulog lang.

Ayon kay Bantay Bayan Jose Juaneza, nakabalot ang mukha ng biktima ng packaging tape.

Dagdag pa ni Juaneza, na nakakuha ang SOCO ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu mula sa biktima.

Aniya, may taga sa ulo ito at may saksak sa likuran.

Tinatayang nasa 40 taong gulang ang biktima, may tatoo na ‘sputnik’ sa katawan, mestiso at malaki ang pangangatawan.

Nakasuot ang biktima ng brown na sando at short pero bukod dito wala ng ibang pagkakakilanlan ang nakuha sa biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.