Partisipasyon sa tangkang pagpatay sa isang high-profile inmate, itinanggi ni Sen. Trillanes

By Jan Escosio January 04, 2017 - 04:27 AM

 

trillanes-1-620x408Mariin ang naging pagtanggi ni Sen. Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ukol sa nalalaman ng senador sa tangkang pagpatay sa Bilibid high profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Giit ni Trillanes, katawa-tawa ang alegasyon na ito at maging siya ay walang nakikitang dahilan o motibo para ipapatay ang convicted kidnapper.

Kasabay nito ang hamon niya kay Aguirre at sa mga alipores nito na ayusin ang kanilang script dahil tiniyak nito na magkakaroon ng full blown senate inquiry para malantad ang buong katotohanan ukol sa pangyayari.

Magugunita na noong nakaraang Setyembre, nagkaroon ng riot sa loob ng Building 14 sa Bilibid kung saan nasaksak sina Sebastian at convicted drug lords na sina Peter Co at ang namatay na si Tony Co.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.