Cargo ship, tinangkang agawin ng mga pirata sa Zamboanga

January 04, 2017 - 04:21 AM

 

Zamboanga CityNakaligtas umano ang mga crew ng isang cargo vessel na lumalayag sa karagatang sakop ng Zamboanga City makaraang makipagpalitan ng putok ang mga tauhan ng Philippine Coast guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine Navy sa kamay ng mga pirata.

Ayon kay Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, naganap ang engkwentro nang tangkaing agawin ng mga bandido ang MV Ocean Kingdom na bumibyahe tungong Davao mula sa Zamboanga.

Nasa 25 kilometro ang layo sa silangan ng Matanal Point, Sibago Island, Basilan ang barko nang salakayin umano ito ng mga pirata lulan ng dalawang speedboat.

Dahil dito agad na humingi ng tulong sa Coast Guard ang kapitan ng MV Ocean Kingdom na mabilis namang rumesponde sa insidente.

Pinaputukan umano ng mga pirata ang cargo vessel at mga otoridad na nagresulta sa palitan ng putok sa magkabilang panig.

Wala namang nasaktan sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.