Duterte itinanghal na “Person of the Year” sa isang sikat na magazine sa China

By Chona Yu January 03, 2017 - 08:29 PM

China manKinilala ng isang sikat na magazine na Yazhou Zhoukan sa China si Pangulong Rodrigo Duterte bilang “Person of the Year”.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinuri ng Yazhou Zhoukan Magazine si Pangulong Duterte dahil sa kanyang posisyon sa independent foreign policy kasabay ng pagdistansiya nito sa Estados Unidos at pakikipag-relasyon sa China.

Pinuri rin ang pangulo sa isang artikulo ng babasahin dahil sa pagtataguyod nito ng good governance at maigting na kampanya nito laban sa korupsiyon.

Ang magazine na Yazhou Zhoukan ang itinuturing na “Time” magazine sa China.

Ito ay may sirkulasyon sa mga major markets sa Hong Kong, Taiwan, Singapore at Malaysia.

TAGS: abella, China, duterte, person of the year, abella, China, duterte, person of the year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.