Maynila handa na sa pagdagsa ng 18 Milyon na deboto ng Itima na Nazareno
Isang linggo bago ang pista ng itim na Nazareno, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paghahanda para sa gagawing pagdiriwang nito.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na magpapatupad ang Manila Police District Office ng ‘incident command system’ o ICS para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga lalahok sa Traslacion.
Pagtitiyak ni Estrada, handa na sila sa isasagawang Traslacion at maging sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Magaganap ang Black Nazarene feast sa January 9, na una nang idineklarang holiday ng Manila City Government.
Sinabi din ng alkalde na ipinag-utos na niya ang pagdedeploy ng aabot sa 4,995 na pulis sa pagdiriwang para sa posibleng banta ng terorista.
Samantala, inaasahan naman ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau na aabot sa labing walong milyong deboto ang makikilahok sa nasabing pista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.