May kaugnayan ito sa isang eksena sa nasabing pelikula na nagpapakita sa pagpatay at pagkatay sa isang aso.
Sa kanilang maiksing pahayag, sinabi ng komite na isang paglabag sa Animal Cruelty Act ang nasabing eksena at hindi ito dapat kunsintehin.
Nauna nang sinabi ni Sen. Grace Poe na dapat muling isailalim sa review ng MMFF organizing committee ang naturang award na ibinigay sa pelukulang Oro.
Ito’y makaraang magsampa ng reklamo ang Philippine Animan Welfare Society (PAWS) kaugnay sa pagpatay ng isang aso na isinama sa eksena sa pelikula.
Gusto ng PAWS na managot sa batas ang mga nasa likod ng movie production dahil sa paglabag sa umiiral na animal welfare act.