FPJ award sa pelikulang “Oro” binawi dahil sa eksena ng pagpatay sa isang aso

By Den Macaranas January 03, 2017 - 03:52 PM

MMFF ComBinawi ng Metro Manila Film Festival Executive Committee ang kanilang ibinigay na FPJ Memorial Award for Excellence Award sa pelikulang “Oro”.

May kaugnayan ito sa isang eksena sa nasabing pelikula na nagpapakita sa pagpatay at pagkatay sa isang aso.

Sa kanilang maiksing pahayag, sinabi ng komite na isang paglabag sa Animal Cruelty Act ang nasabing eksena at hindi ito dapat kunsintehin.

Nauna nang sinabi ni Sen. Grace Poe na dapat muling isailalim sa review ng MMFF organizing committee ang naturang award na ibinigay sa pelukulang Oro.

Ito’y makaraang magsampa ng reklamo ang Philippine Animan Welfare Society (PAWS) kaugnay sa pagpatay ng isang aso na isinama sa eksena sa pelikula.

Gusto ng PAWS na managot sa batas ang mga nasa likod ng movie production dahil sa paglabag sa umiiral na animal welfare act.

TAGS: aso, metro manila film fest, Oro, poe, aso, metro manila film fest, Oro, poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.