Sec. Diokno: Maunlad na ekonomiya resulta ng pagpapatupad na peace and order

Benjamin Diokno
Photo: Chona Yu

Kumpiyansa si Budget Secretary Benjamin Diokno na kakayanin ng administrasyon Duterte na maipagpatuloy ang seven percent growth rate sa mga susunod na taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Diokno na magagawa ito ng Duterte administration kung maipatutupad ang peace and order sa bansa.

Makakamit din aniya ang growth rate kapag natugunan ng administrasyon ang pagpapaganda ng mga imprasktura lalo’t isa ang Pilipinas sa may worst infrastructure sa buong mundo.

Dagdag ni Diokno, kinakailangan din na gamitin ng pamahalaan ang mga kabataan bilang human resources at palakasin ang pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan.

Isa rin sa nakikitang solusyon ni Diokno kung maisusulong ang tax reform bill sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Diokno na target ng kanilang hanay na pataasin pa ng 7.2 hanggang 7.4 percent ang Growth Domestic Product sa huling taon ni Pangulong Duterte sa Malacañang.

Read more...