Mga naaresto sa sinalakay na shabu lab sa San Juan, isinailalim sa preliminary investigation ng DOJ

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Bigong magsumite ng kanilang counter-affidavit ang tatlong Chinese national na kabilang sa naaresto sa sinalakay na shabu laboratory sa lungsod ng San Juan.

Sa isinagawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors hiniling ng tatlo sa pamamagitan ng isang interpreter mula sa National Bureau Investigation (NBI) na kumuha ng sariling abogado.

Bagaman nag-alok ng serbisyo ang Public Attorneys’ Office, tinanggihan ito ng mga dayuhan.

Dahil dito, binigyan ng panel ng hanggang Biyernes sina Shi Gui Xiong, Chen Wen De (alyas Jacky Tan) at Wu Li Yong (alyas David Go) para makapagsumite ng kanilang counter affidavit.

Mga reklamong paglabag sa Section 5 at 8 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihaing ng NBI Task Force Against Illegal Drugs laban sa mga nasabing Chinese nationals at tatlong pinoy na sina Abdullah Jahmal, Salim Arafat at Basher Jamal.

Magugunitang nadiskubre ng NBI ang shabu laboratory sa residential area sa Mangga Street, Little Baguio, San Juan City at ang isa pang shabu laboratory sa A. Bonifacio Street sa lungsod pa rin ng San Juan.

Nakumpiska sa raid ang mga equipment na ginagamit sa paggawang shabu at kabuaang 890 kilos na high-grade shabu na naka-repack sa tig-iisang kilo ang bawat isa at handa na sanang i-deliver.

Itinakda naman ng DOJ panel of prosecutors ang susunod na pagdinig sa araw ng Biyernes, January 6.

 

Read more...