Umiiral na state of lawlessness sa bansa, maaring tumagal ng anim na taon ayon sa kay Pangulong Duterte

By Chona Yu January 03, 2017 - 12:26 PM

Duterte christmas 16Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na maaring tumagal ng anim na taon ang ideneklarang state of lawlessness sa bansa.

Ayon sa pangulo, hindi niya aalisin ang naturang deklarasyon hangga’t hindi natatapos ang giyera kontra sa illegal na droga.

“For as long as this exists, there will always be lawlessness in the country. And you might just also consider to the last day of my term,” ayon sa pangulo.

Matatandaang ideneklara ng pangulo ang state of lawlessness noong Setyembre matapos ang pambobomba sa night market sa Davao City.

Gayunman, bagaman umiiral ang state of lawlessness, wala namang balak ang pangulo na suspendihin ang writ of habeas corpus.

Paliwanag ng pangulo, kailangan lang niyang magdeklara ng state of lawlessness para maipatawag ang militar at tumulong sa pulis para labanan ang illegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.

 

 

TAGS: Rodrigo Duterte, state of lawlessness, Rodrigo Duterte, state of lawlessness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.