Dalawang barkong pandigma ng Russia dumaong sa Manila Bay

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Nasa bansa ngayon ang dalawang Russian warship para sa 5-day goodwill visit.

Dumaong kahapon sa Pier 15 ng Manila South Harbour ang Russian Navy vessels na Admiral Tributs na isang large anti-submarine ship at Boris Butoma na isang large sea tanker.

Kabilang sa mga aktibidad nito sa bansa ay ang pagbisita sa mga makasaysayang lugar sa Maynila at Cavite.

Magkakaroon din ito ng capability demonstration, goodwill games, wreath laying at shipboard tour.

Ang pagbisita ng mga barkong pandigma ng Russia ay kaugnay sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Ayon kay Rear Admiral Eduard Mikhailov, Deputy Commander ng Flotilla of Pacific Fleet ng Russian Navy.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na bumisita sa bansa ang mga barkong pandigma ng Russian kung saan ang una ay noong January 2012 at nasundan noong May 2016.

Tatagal hanggang January 7 sa bansa ang nasabing Russian warship.

Read more...