Moratorium sa pagputol ng punong buko sa bansa, epektibo na ngayong araw
Ipinaalala ng Philippine Coconut Authority (PCA) na epektibo na ngayong araw ang moratorium sa pagputol ng punong buko sa bansa maliban lamang sa lalawigan ng Basilan at sa Isabela City.
Ayon kay PCA Administrator Billy Andal ang national moratorium sa pagputol ng punong buko ay tatagal sa loob ng tatlong buwan mula ngayong araw, January 3.
Sinabi ni Andal na kinakailangang ipatupad ang moratorium dahil hindi naman sineseryoso ng mga coco loggers ang isinasaad ng RA 8048.
Kung hindi aniya ipatutupad ang moratorium, manganganib na ang coconut industry sa bansa dahil mas maraming puno ng buko ang pinuputol kaysa itinatanim.
Maliban kay Andal, ang moratorium sa pagputok ng punong buko ay nilagdaan din nina Cabinet Secretay Leoncio “Jun” Evasco Jr:, Member ng PCA Governing Board Alan P. Tanjuakio, Edicio dela Torre at Ponciano A. Batugal.
Ani Andal, sasailalim naman sa masusuing pag-aaral ang Implementing Rules and Regulations ng RA 10510593 na nag-aamyenda sa RA 8048 na layong isaayos ang pag-iisyu ng permit at clearance sa mga coco loggers.
Exempted sa moratorium ang Basilan Province at Isabela City dahil sa naranasang problema doon sa cocolisap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.