Anti-colorum drive, pantapat ng LTFRB sa bantang strike ng Uber at Grab

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2017 - 10:20 AM

uber-grabcar-1204-660x371 (1)Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) na magsasagawa ng anti-colorum drive laban sa mga Uber at Grab cars.

Ito ang pantapat ng LTFRB, matapos magbanta ang grupong Philippine Transport Network Organization na magsasagawa ng strike ang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) dahil sa paglalagay ng ceiling ng ahensya sa kanilang singil sa pasahe.

Sa panayam ng Radyo Inqurer, sinabi ni LTFRB spokesperson, Board Member Aileen Lizada, sa kanilang datos, mayroong 2,800 na Uber at Grab cars na may prangkisa at mayroong 1,500 na iba pa na naisyuhan nila ng provisional authorities.

Pero, mismong ang grupo ng mga TNVS ang nagsasabing aabot sila sa 7,000.

Nangangahulugan ito ayon kay Lizada na marami sa kanila ay colorum at walang permiso mula sa LTFRB para mamasada.

“It is good for them (TNVS) muna na icheck nila kung may prangkisa sila, o provisional authority, kung wala sila niyan, colorum po sila, baka lang ho hindi sila accredited sa amin. Kung hindi nyo ayusin iyan, baka kayo ang ma-anti colorum drive namin,” sinabi ni Lizada.

Payo din ni Lizada sa mga pasahero na madalas mag Uber at Grab, icheck kung mayroong case number ang masasakyan nilang sasakyan.

Makikita aniya ito sa application kapag nagpapabook sila sa Uber o sa Grab.

 

 

TAGS: Grab, ltfrb, Uber, Grab, ltfrb, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.