Walang pasok sa mga eskwelahang apektado ng water interruption

August 11, 2015 - 07:02 AM

11873930_884075171659042_754264642_n(updated) Suspendido ang klase ngayong araw sa mga unibersidad, elementarya at high schools sa lungsod ng Maynila na sakop ng ipinatutupad na water interruption ng Maynilad.

Kabilang sa mga nagdeklara ng walang pasok ang Adamson University (ADMU), Lyceum of the Philippines University (LPU), De La Salle University (DLSU), Mapua Institute Technology – Intramuros, Technological University of the Philippines (TPU), Philippine Normal University (PNU), Philippine Women’s University (PWU), at Sta. Isabel College.

Ang ADMU, nagpa-abiso nang suspendido muli ang klase bukas, araw ng Miyerkules.

Samantala, sinuspinde na ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada ang mga klase sa pampubliko elementarya at high school sa Maynila na naapektuhan ng water interruption ng Maynilad.

Kanselado ang klase ngayong araw, August 11 hanggang bukas, August 12 at sa August 17 hanggang August 18 sa mga sumusnod na paaralan:

District II (Tondo)
– Torres High School
– Lakandula High School
– Manuel L. Quezon High School
– F.G. Calderon High School
– F. G. Calderon Elemementary School

District III 3 (Sta. Cruz, Binondo area)
– T. Alonzo High School
– C. Arellano High School
– Jose Abad Santos High School
– Raja Soliman High School

District V (Intramuros, Ermita, Malate, Paco, Port Area)
– Manila Science High School
– Manila High School
– Araullo High School
– Justo Lukban Elementary School
– Aurora Quezon Elementary School
Epifanio delos Santos Elementary School

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maynila, sa mga elementarya at high school na nagsuspinde ng klase hanggang bukas ay balik normal ang klase sa August 13 at 14. At muling sususpindihin sa August 17 (Lunes) at 18 (Martes) para sa ikalawang yugto ng water interruption ng Maynilad./ Ruel Perez, Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: schools, universities in Manila suspends classes due to Maynilad's water interuption, walangpasok, schools, universities in Manila suspends classes due to Maynilad's water interuption, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.