60 preso, patay, pinugutan pa ng ulo sa riot sa kulungan sa Brazil

By Dona Dominguez-Cargullo January 03, 2017 - 07:53 AM

AFP PHOTO
AFP PHOTO

Aabot sa animnapu ang nasawi sa naganap na riot sa overcrowded na bilangguan sa Manaus City, Brazil.

Ayon kay Sergio Fontes, head of security sa lugar, maari pang madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa riot na nag-ugat sa awayan ng mga gang sa droga.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa isang gang at pawang pinugutan pa ng ulo.

Tumagal ng magdamag ang riot bago tuluyang naawat ng mga otoridad na nagresulta din sa pagkakatakas ng ilang preso na aabot sa 300.

Sinabi ni Pedro Florencio, state prison secretary, matagal nang may sigalot sa pagitan ng mga criminal gang sa nasabing bilangguan.

Dati nang problema sa mga bilangguan sa Brazil ang sobrang dami ng mga bilanggo na nagiging dahilan ng riot, food scare at pagkakasakit ng mga preso.

Isa dito ang Anisio Jobim prison complex na mayroong 2,230 na inmates gayong ang capacity nito ay 590 lamang.

 

TAGS: Brazil, Manaus Brazil, Prison Riot, Brazil, Manaus Brazil, Prison Riot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.