4 katao, pinaslang sa loob ng kanilang tahanan sa Caloocan City

crime-scene-620x413Apat na katao ang walang awang pinagbabaril sa Phase 8B, Package 1-B, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City kagabi.

Ang mga nasawi ay ang mag-asawang Jeffrey Robles, 34 anyos at Wena Robles, 24 anyos, na natagpuang patay sa loob ng palikuran ng bahay.

Sa kama naman nakita ang isang alyas Jay-R, habang naisugod pa sa ospital si Michael Bonrostro, 20 anyos, pero idineklara ding dead on arrival.

Ayon sa mga saksi, apat na katao ang pumasok sa loob ng bahay ng mag-asawa na pawang mga nakatakip ang mukha, at saka walang habas na pinagbabaril ang apat.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Nakakuha naman ng mga pulis ang baril sa crime scene.

 

Read more...