PNP at DOH, binati ng Malacañang dahil sa “generally peaceful” na holiday season
Binati ng Palasyo ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan dahil sa pagiging maayos at mapayapa ng mga nagdaang pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.
Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, binabati nila ang DOH para sa matagumpay na pagpapatupad nila ng Iwas Paputok campaign, habang katuwang ang mga pulis at mga lokal na opisyal, dahilan para maging “generally peaceful” ang holiday season.
Samantala, nabanggit naman ni Andanar na bagaman gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng total firecracker ban sa buong bansa, marami pa siyang isinasaalang-alang bago niya ito gawin.
Kabilang na dito ang kahihinatnan ng mga trabahador ng mga pagawaan ng paputok, sakaling lagdaan na niya ang draft executive order para dito.
Sa ngayon aniya ay tinitimbang ng pangulo ang mas makabubuti para sa mas nakararami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.