Kaya naman naisip ng mga pari ng Quiapo Church na gamitin ang teknolohiya, partikular na ang live streaming gamit ang social networking site na Facebook para maabot ang mga debotong may sakit at hindi na kayang sumama sa traslacion.
Ayon kay Msgr. Hernando Coronel na isang pari sa Minor Basilica of the Black Nazarene, susubukan nila ang lahat ng kanilang makakaya para maabot ang mga debotong nais maging bahagi ng prusisyon.
Inihalintulad lang ito ni Coronel sa Sunday Masses na ipinapalabas sa mga telebisyon, at sinabing kung nais talaga ng isang may sakit na maging bahagi ng prusisyon, alam na ito agad ng Panginoon.
Gayunman, aminado naman ang pari na iba pa rin ang aktwal o pisikal na pakikibahagi sa traslacion, kasabay ng paghimok sa mga deboto na dumalo dito sa kabila ng madaling paraan na hatid ng teknolohiya.