Ayon sa pinakahuling bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nasasakop na ng alert ang siyam na bahagi ng Visayas kabilang na ang anim na anyong tubig sa pagitan ng Leyte at Samar.
Sakop na rin ng red tide alert ang Irong-Irong at Cabatutay Bays sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay at Calubian, pati na ang mga baybayin sa lalawigan ng Leyte; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at ang dagat sa Gigantes Island sa Iloilo.
Paalala pa ng BFAR, hindi muna maaaring anihin ang lahat ng uri ng shellfish sa mga nabanggit na lugar, pati na ang mga alamang, at mas lalong hindi dapat ibenta o kainin.