Red tide alert, itinaas sa 9 na lugar sa Visayas

By Kabie Aenlle January 03, 2017 - 04:38 AM

Red tideIsinama na sa listahan ng mga lugar na may red tide alert ang mga baybayin sa buong Biliran Island, matapos masawi ang dalawang tao dahil sa red tide poisoning.

Ayon sa pinakahuling bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nasasakop na ng alert ang siyam na bahagi ng Visayas kabilang na ang anim na anyong tubig sa pagitan ng Leyte at Samar.

Sakop na rin ng red tide alert ang Irong-Irong at Cabatutay Bays sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay at Calubian, pati na ang mga baybayin sa lalawigan ng Leyte; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at ang dagat sa Gigantes Island sa Iloilo.

Paalala pa ng BFAR, hindi muna maaaring anihin ang lahat ng uri ng shellfish sa mga nabanggit na lugar, pati na ang mga alamang, at mas lalong hindi dapat ibenta o kainin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.