25 patay sa salpukan ng van at truck sa highway sa Thailand

By Kabie Aenlle January 03, 2017 - 04:36 AM

Thailand_Crash_31674Nasunog ang isang van at isang pickup truck na nagsalpukan sa isang highway sa eastern Thailand, dahilan para masawi ang 25 katao.

Ayon sa Thai Road Accident Data for Road Safety Culture, nawalan ng kontrol ang pampasaherong van at tumawid sa island ng highway patungo sa kalsada kung saan patungo sa kabilang direksyon ang pickup truck.

Ayon naman kay police Col. Dusadee Kunchorn Na Ayutthaya ng Ban Bung police station sa Chonburi province, may dalawang tao na mapalad na nakaligtas sa aksidente.

Patay naman ang parehong drivers ng dalawang sasakyan, at hindi naman nakapanayam ng mga pulis ang mga nakaligtas upang alamin sana kung ano ang naging dahilan ng salpukan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.