Mga senador, nilagdaan na ang draft ng BBL, debate mag-uumpisa na sa susunod na linggo

Aug 11 Marcos inq file photoInaasahang mag-uumpisa na sa susunod na linggo ang debate sa Bangsamoro Basic Law o BBL matapos lagdaan ng 17 senador ang committee report na isinumite ni Senator Bongbong Marcos.

Tulad ng version ng Mababang Kapulungan, ang Senate Bill No. 2894 ay tinawag na “Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region” o BL-BAR.

Kabilang sa mga lumagda sa committee report sina senador Teofisto Guingona III, Aquilino Pimentel III, Antonio Trillanes IV, Pia Cayetano, Paulo Benigno Aquino IV, Loren Legarda, Sonny Angara, Nancy Binay, Gregorio Honasan II, Grace Poe, JV Ejercito, Vicente Sotto III at Ralph Recto.

Ang mga senador na ito ay lumagda na may nais pang ipasok na amyenda sa nilalaman ng committee report.

Lumagda din si Senador Cynthia Villar ngunit nilinaw nito na ang kanyang lagda ay hindi pagsang-ayon sa panukalang batas, kundi para lamang masimulan na ang plenary debate.

Maliban kay Marcos, si Senador Lito Lapid ay lumagda din ng walang “reservation”.

Nag-iisa sa kanyang “no” o pagtutol sa committee report si Senador Allan Peter Cayetano. Ani Cayetano, “nanatili ang mga bahaging labag sa Saligang Batas”.

Sa ika-17 ng Agosto ang plenary debates ayon kay Senate President Franklin Drilon./Gina Salcedo

Read more...