Maglalaan muna si Ronda Rousey ng panahon para pag-isipan ang mga susunod na mangyayari sa kaniyang karera matapos ang kagulat-gulat na pagkatalo niya sa UFC kamakailan.
Sa pahayag na inilabas ni Rousey, nagpasalamat siya sa kaniyang mga fans sa patuloy na pagsuporta at paniniwala sa kaniya, sa kabila ng mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan.
Aniya pa, malaki ang naitutulong sa kaniya ng pagmamahal at pagsuporta sa kaniya ng mga fans niya.
Kasunod nito ay binanggit na rin niya ang plano niyang magpahinga muna at pag-isipan ang kaniyang future.
Nagpasalamat siyang muli sa paniniwala sa kaniya ng mga tao at pati na rin sa pag-intindi ng mga ito sa kaniyang desisyon.
Matatandaang nitong bago magpalit ng taon, nabigo si Rousey na mabawi ang bantamweight title mula kay Amanda Nunes.
Ngunit sa kasamaang palad, napabagsak agad ni Nunes si Rousey sa loob lang ng 48 seconds sa unang round, via technical knockout.
Bago ang labang ito, natalo na rin si Rousey sa kauna-unahang pagkakataon laban naman kay Holly Holm noong November 2015, at dito nagsimula ang hindi magandang karera ni Rousey.