Pag-atake sa Istanbul nightclub, inako ng IS

By Kabie Aenlle January 03, 2017 - 12:43 AM

111615-ISIS-flagInako na ng Islamic State group ang nangyaring pag-atake sa isang sikat na Istanbul nightclub noong bisperas ng bagong taon na ikinasawi ng 39 katao at ikinasugat ng marami pang iba.

Base sa pahayag na inilabas sa Aamaq News Agency ng IS, isinagawa ito ng kanilang bayaning sundalo laban sa mga Kristyanong ipinagdiriwang ang kanilang “pagan feast.”

Dagdag pa dito, ang pamamaril ng suspek gamit ang isang automatic rifle at paghahagis ng mga granada, ay isang paghihiganti para sa relihiyon ng Diyos at bilang tugon sa kautusan ni IS leader Abu Bakr al-Baghdadi.

Inilarawan rin ng grupo ang Turkey bilang “servant of the cross,” at nagpahiwatig na isa itong paghihiganti sa opensiba ng Turkish military laban sa Islamic Group sa Syria at Iraq.

Samantala, nasa ilalim naman na ng kustodiya ng mga mga anti-terrorism squads ng Istanbul ang walo katao, at sila ngayon ay kinukwestyon sa main headquarters ng Istanbul police.

Wala naman nang iba pang ibinigay na impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa mga suspek sa nasabing pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.