Emergency powers para kay Duterte tiniyak ngayong buwan ng Enero

Duterte climate changeTarget na ipasa ng House Committee on Transportation ngayong buwan ng Enero ang panukalang magkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa matinding trapiko.

Ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, chairman ng lupon, sa pag-resume ng sesyon ng Kongreso sa January 16 ay magsasagawa ng meeting ang kanilang komite at tatalakayin nila ang bersyon ng Kamara sa Traffic Crisis Act o Emergency Power Bill.

Sa pagtaya ni Sarmiento ay matatapos na nila ngayong buwan sa committee level ang panukala at isasalang na ito sa plenaryo sa Pebrero para sa debate.

Kinumpirma rin ng kongresista na bago magbalik-sesyon ay makikipag-usap na siya kay Senator Grace Poe para ikunsulta kung anong maaaring gamiting bersyon.

Ito’y upang pagdating sa bicameral conference committee ay maganda na ang kanilang diskusyon.

Sa bersyon ng Senado, magtatalaga ng traffic crisis manager habang sa bersyon ng Kamara ay mismong ang secretary ng Department of Transportation ang magiging traffic chief.

Nilinaw naman ni Sarmiento na hindi pa napopondohan ang panukala kahit pa pirmado na ng pangulo ang 2017 national budget.

Kailangan aniya na magsumite muna ng listahan ng priority projects ang DOTr sa loob ng siyamnapung araw saka ito popondohan sa pamamagitan ng supplemental budget.

Read more...