ISIS itinuturong nasa likod ng pamamaril sa isang club sa Istanbul
Pinaniniwalaan ng mga otoridad ang Islamic State group o ISIS ang nasa likod ng pag-atake sa isang sikat na nightclub sa Istanbul, Turkey sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa ulat ng Hurriyet at Karar newspaper, isang hindi pinangalanan security official ang nagsabi na nabatid ng mga otoridad na ang suspek na walang habas na namaril sa naturang nightclub ay posibleng mula sa Uzbekistan o Kyrgyztan.
Aabot sa tatlumpu’t siyam na katao ang nasawi sa nasabing pag-atake.
Iniimbestigahan din ngayon ng pulisya kung konektado ang nasabing pag-atake sa naganap na bomb attack sa Ataturk Airport noong nakalipas na Hunyo.
Bago mamaril sa mga nagdiriwang ng New Year’s eve sa labas ng nightclub, isang pulis at isa pang lalaki ang pinatay ng nasabing gunman na kasalukuyang at-large pa rin.
Karamihan sa mga nasawi sa nasabing pag-atake ay mga dayuhan na mula sa Middle East.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.