Mga traffic enforcers sa Maynila gagamitan ng mga camera kontra kotong

By Mariel Cruz January 02, 2017 - 04:53 PM

Roxas Blvd.
Inquirer file photo

Simula ngayong taon, magsusuot na ng body cameras ang lahat ng traffic enforcers sa Maynila.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), lahat ng kanilang miyembro ay obligado nang magsuot ng body cameras para maiwasan ang “under the table” na transaksyon sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko.

Sinabi ni MTPB Chief Dennis Alcoreza na magsisilbing ebidensya ang mga body camera sa kung ano ang aktuwal na ginagawa ng mga traffic enforcers kapag nakahuhuli ng traffic violators.

Bukod dito, magsisilbi din aniya ang body camera bilang proteksyon ng traffic enforcers laban sa mga sigang motorista.

Ang naturang body camera ay nagkakahalaga ng P8,500 hanggang P12,000 bawat isa.

Magugunitang kamakailan ay sinibak ang lahat ng mga kasapi ng MTPB dahil sa mga reklamo ng pangongotong sa mga lansangan sa Maynila.

TAGS: camera, manila, mptb, traffic enforcers, camera, manila, mptb, traffic enforcers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.