Duterte umaming may kaanak na ISIS member

By Chona Yu January 02, 2017 - 04:48 PM

duterte01
Inquirer file photo

Ibinuyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pinsan siyang miyembro na ng teroristang grupong Islamic state of Iraq and Syria o ISIS.

Ayon sa pangulo, nakabase sa Mindanao region ang kanyang pinsang ISIS meber.

Dati aniyang kasapi sa Moro Islamic Liberation Front ang kanyang pinsan subalit ngayon ay umanib na sa teroristang grupo.

Pahayag ni Duterte pasensiyahan na lamang sila sakaling magkita sa isang lugar dahil alam naman ng mga ito ang posibleng mangyari lalo na sa mga lumalabag sa batas.

Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang pangulo na umaming may presensiya na ng ISIS sa bansa dahil itinatanggi ito noon ng nakalipas na administrasyon at maging ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi ng pangulo na nabuo ang teroristang grupo dahil sa mga dumating na mga misyonaryo mula sa Middle East na nagpanggap noong una na mga turista sa Mindanao at kalaunan ay nagsagawa ng recruitment at isinailalim sa pagtuturo ng doktrina ng teroristang grupo ang kanilang mga nahikayat na miyembro.

TAGS: ISIS, relative, terrorist, ISIS, relative, terrorist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.