Joint oil exploration sa West Philippine Sea pinag-aaralan ng Pilipinas

By Den Macaranas January 02, 2017 - 04:15 PM

west-ph-seaInamin ni Philippine Ambassador to Beijing Chito Sta. Romana na masusing pinag-aaralan ng pamahalaan ang joint oil exploration sa West Philippine Sea katuwang ang bansang China.

Ipinaliwanag ni Sta. Romana na isinasapinal na ng Department of Foreign Affairs at ng Department of Energy ang ilang mga bagay na nakapaloob sa planong joint exploration kung saan ay nauna nang sinabi ng China na bukas sila sa nasabing hakbang.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay nauna nang nagsabi na bukas siya sa nasabing joint exploration sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Sta. Romana na importante ang paghahanap ng panibagong mapagkukunan ng enerhiya lalo’t magsisimula nang humina ang natural gas sa Malampaya gas fileds sa susunod na mga taon.

Sa kanyang panig, sinabi ni University of the Philippines Institute for the Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal na dapat ay maging bukas sa publiko ang mga detalye ng planong oil exploration.

Kinakakailangan umanong hindi madehado ang Pilipinas sa anumang kasunduan na papasukin nito sa China bukod pa sa dapat ay maging konstitusyunal ito.

Ipinaliwanag naman ni Sta. Romana na kung anuman ang kasunduang mabubuo sa pagitan ng Pililipinas at China ay dapat na ipaalam ito sa U.N Convention on the Law of the Sea (Unclos) para maiwasan ang anumang problemang legal.

TAGS: China, DFA, DOE, malampaya, sta. romana, West Philippine Sea, China, DFA, DOE, malampaya, sta. romana, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.