Klase sa Naga City, suspendido hanggang Enero 7 dahil sa pinsala ng bagyong Nina

By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2017 - 01:28 PM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Sinuspinde na rin ang klase sa Naga City mula bukas, January 3 hanggang sa January 7 araw nf Sabado.

Ang suspensyon ay inanunsyo ni Naga City Mayor John Bognat.

Ayon kay Bognat, patuloy pa ang ginagawang clearing operations ng lokal na pamahalaan sa pinsalang dulot ng bagyong Nina.

Ang Naga City ay isa sa mga lugar sa Camarines Sur na labis na napinsala ng bagyo.

Sa nasabing abiso, wala na munang klase ang mga pre school hanggang senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan mula sa Martes (Jan. 3) hanggang sa Biyernes (Jan. 6), gayundin sa araw ng Sabado (Jan. 7) para sa mga mayroong Saturday class.

Babalik sa klase ang mga estudyante sa Lunes, January 9.

 

TAGS: class suspension, naga city, class suspension, naga city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.