Iyan ang pinangangambahang scenario ni House Deputy Minority Leader at Buhay PL Rep. Lito Atienza sa gitna ng patuloy na pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa nang pagbitay limang beses kada araw o mahigit dalawang libo kada taon sa sandaling mapagtibay ng kongreso ang Death Penalty bill.
Babala ni Atienza, masasadlak sa kadiliman ang Pilipinas, na kilala pa naman bilang bansang dominado ng mga Katoliko.
Muli namang iginiit ng kongresista na ang pagbuhay sa death penalty ay taliwas sa katangian ng mga Pilipino na may pagpapahalaga sa buhay.
Hindi aniya nararapat at walang puwang ang anumang uri ng pagpatay, judicial man o extrajudicial, para lamang masawata ang mga krimen.
Sa pagbabalik ng sesyon ng kongreso ngayong Enero 2017, isasalang na sa debate sa plenaryo ng kamara ang Death Penalty bill.